Kaso ng Grass Fire sa Pangasinan, problema na ng DENR

Malaking problema ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang naitatalang kaso ng grass fire sa ilang kabundukan sa rehiyon uno partikular na sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Cenro Officer Celso Salazar sa panayam ng SonshineRradio dahil sa insidente nang sunog na naitala sa bayan ng Labrador na muntik pang umabot sa kanilang plantasyon.

Dahil dito, nagsagawa na aniya na pagpupulong ang lahat nang implementor ng national greening program para planuhin ang mga dapat gawin sakaling magkaroon ng grass fire.

Nakipag-ugnayan narin umano ang DENR sa mga Local Government Unit (LGU’s) at Bureau of Fire Protection (BFP) para matulungan sila sa pag-responde kapag may nangyaring sunog sa kabundukan.

Speak Your Mind

*