Kaso ng mga inmates sa BJMP Dagupan na drugs related cases, tumaas

Tumaas na nang limang porsyento ang kaso ng mga inmates sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Dagupan City na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Ito ang kinumpirma ni Dagupan City Jail Warden Atty. Kenneth Bid-ing sa naganap na Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas o KBP Forum kahapon.

Ayon kay Atty. Bid-ing, nasa pitumpong porsyento palang ng drugs related cases ang naitala mula ng dumating siya sa BJPM Dagupan, ngunit ngayon ay pumalo na aniya sa walumpu hanggang walumpu’t limang porsyento ang naitatala.

Tiniyak naman ng opisyal na hindi makakapuslit o makakapasok ang anumang uri ng droga sa loob ng kulungan.

Sa ngayon, wala naman aniyang mga high profile na mga inmates ang nakapiit ngayon sa BJMP Dagupan.

Speak Your Mind

*