Kauna-unahang Dengue School-Based Immunization Program, inilunsad ng DOH

Inilunsad ngayon ng Department of Health ang kauna-unahang Dengue School-Based Immunization Program sa Marikina City.

Bibigyan ng DOH ng libreng bakuna kontra dengue ang mga estudyante na nasa ika-apat na baitang sa Parang Elementary School.

Nilinaw naman ni DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy na sa kabila ng kawalang rekomendasyon mula sa World Health Organization, tumutulong aniya ito sa kanilang aktibidad at pagsasa-ayos ng mga protocol para mapaganda ang naturang programa kontra dengue.

Tinutulungan din umano sila ng WHO sa pagmomontior sakaling mayroong mga hindi pangkaraniwang side effect sa naturang bakuna.

Speak Your Mind

*