Konstruksyon ng Phase 1 ng Seawall sa Pantal River, sinimulan na

Sinimulan na ang konstruksyon ng Phase 1 ng Seawall sa bahagi ng Pantal River at inaasahang solusyon ito sa nararanasang pagbaha sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Engr. Rodolfo Dion, ng 2nd District Engineering Office ng DPWH, layun ng paglalagay ng Seawall na harangan ang tubig mula sa ilog patungo sa mga kabahayan tuwing high tide at may kalamidad.

Hakbang din ang naturang seawall na maprotektahan ang pagguho ng lupa.

Kasabay nito, sinimulan narin ang pagsasaayos ng mga drainage system upang mabilis ang daloy ng tubig palabas ng ilog.

Inaasahan naman ng DPWH na matatapos ang konstruksyon ng Phase 1 ng Seawall sa darating na buwan ng Mayo.

Speak Your Mind

*