Konstruksyon ng small water impounding system, matatapos na

Kasalukuyan nang tinatapos ang konstruksyon ng small water impounding system ng Department of Environment and Natural Resources o DENR sa ilang piling kabundukan sa pangasinan

Ito ay inihayag ni Cenro Officer Celso Salazar sa panayam ng Sonshine Radio sa tulong na rin aniya ng ilang kongresista na naglaan ng pondo sa naturang proyekto.

Ayon pa kay Salazar, magsisilbing water catchment structure ang naturang pasilidad at kung sakaling magkaroon aniya ng sunog sa bundok mayroon nang magsisilbing standby water.

Hangad naman ng opisyal na magkaroon ng massive construction ng small water impounding system sa mga kabundukan ng Pangasinan dahil sa ngayon ay mayron pa lang ang bayan ng Lingayen, Bugallon, Labrador, Aguilar at Mangatarem.

Speak Your Mind

*