Labin dalawang katao, patay sa plane crash sa Papua New Guinea

Labin dalawa katao ang patay matapos bumagsak ang sinasakyan nilang maliit na eroplano sa Papua New Guinea.

Ayon sa ulat, bumagsak ang eroplano malapit sa kiunga airstrip habang papalapag na sana ang eroplano nang ito ay mag-crash.

Nagkaproblema umano sa makina ang eroplano habang nasa ere.

Ayon kay Kiunga Police Commander Joer Puri, patay ang lahat ng sakay ng eroplano pati na ang piloto.

Kabilang umano sa nasawi ang tatlong bata.

Sa pahayag naman ng Australian Department of Foreign Affairs, kinumpirmang isa sa mamamayan nila ang sakay ng bumagsak na sunbird aviation flight at kasama sa mga nasawi.

Speak Your Mind

*