Lambat Sibat Volunteers, makakatuwang ng SPD sa paglaban sa kriminalidad

Higit isang libo siyam na raang sibilyan ang nangakong tutulong sa Southern Police District sa pagsugpo sa kriminalidad ang nagsipagtapos ngayon sa kanilang matinding pagsasanay.

Nagmula sa iba’t ibang lugar na nasasakupan ng SPD ang mga nasabing volunteers na tinawag bilang mga Lambat Sibat Volunteers.

Pinangunahan ni SPD Director Chief Superintendent Eusebio Mejos at Napolcom Vice Chairman and Executive Director Rogelio Casurao ang pagtatapos ng mga Lambat Sibat Volunteers.

Ayon kay SPD Public Information Officer Superintendent Jenny Tecson, trabaho ng mga nasabing volunteers na agad i-timbre sa pulisya ang mga krimen sa kanilang nasasakupan para sa mas mabilis na aksyon.

Magsisilbi rin bilang mga informant o mata ng SPD ang mga Lambat Sibat Volunteers laban sa kriminalidad sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Speak Your Mind

*