Lima katao sa Taiwan, kinasuhan kaugnay sa insidente ng lindol

Limang katao sa bansang Taiwan ang kinasuhan ng Taiwan Prosecutors kaugnay sa pagkamatay ng mahigit sa isandaang katao matapos tumama ang magnitude 6.4 na lindol na ikinaguho ng isang apartment complex.

Ayon sa taiwan prosecutor’s, maliban sa paggamit ng lisensya ng isang lehitimong kompanya, mababang uri rin umano ang ginamit ng mga suspek sa itinayong apartment complex.

Posible namang makulong ang mga suspek ng hindi bababa sa limang taon kapag-napatunayan na may pagkukulang ang mga ito.

Matatandaan na mahigit na isandaan ang nasawi sa naturang lindol habang umabot naman sa mahigit na limandaang katao ang nagtamo ng sugat.

Speak Your Mind

*