Limang libong applications ng UBER, ibinasura ng LTFRB

Ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit na limang libong applications ng mga app-based transportation service na uber.

Ayon kay LTFRB Board Member Ariel Inton, nabigo ang mga aplikante na maisumite ang formal officer of evidence kaya binasura nila ito.

Sinabi ni Inton na hindi nagkulang ang kanilang tanggapan matapos bigyan ng sapat na panahon ang mga ito mula pa noong Oktubre 2015.

Samantala, sinabi pa ni Inton na aabot sa halos labindalawang libong aplikasyon mula sa uber ang kasalukuyang nasa kanilang tanggapan ngayon.

Dahil dito, umaasa si inton na mawawala na ang maling paratang sa kanila na umanoy pinaboran nila ang nasabing kompanya.

Speak Your Mind

*