Live weight fee sa kada kilo ng baboy sa Mangaldan, tumaas

Tumaas nang tatlo hanggang limang piso ang live weight fee sa kada kilo ng baboy sa liverstock market ng Mangaldan, Pangasinan.

Isa umano sa dahilan ng pagtaas ng presyo sa bayarin ang pag-aangkat ng mga baboy sa mga karating lalawigan ng Pangasinan.

Ayon naman kay Veronica Junatas, Slaughterhouse Chief ng Mangaldan, ang mataas na presyo ng karne ng baboy sa pamilihan na nasa P180 kada kilo mula sa dating P170 kada kilo ay resulta ng pagtaas ng live weight fee.

Ganumpaman, tiniyak ni junatas na sapat ang stock ng baboy sa liverstock market ng Mangaldan at malabong magkaroon ng kakapusan sa suplay nito lalo na ngayong panahon ng mga kapistahan.

Speak Your Mind

*