LRT, may libreng sakay sa mga beterano sa Araw ng Kagitingan

May libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 para sa mga beterano bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-pitumpu’t apat na Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans Week.

Ayon sa LRTA, epektibo ang libreng sakay simula Abril a-singko hanggang Abril a-onse sa pagitan ng ala-siyete ng umaga hanggang alas-nuwebe ng umaga at ala-singko ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi.

Ipinapaalala naman na tanging ang mga may Veterans I.D lamang ang maaaring makatanggap ng libreng sakay.

Speak Your Mind

*