LTFRB, diringgin na ang apela ng mga taxi drivers kontra sa tapyas pasahe

Magkakaroon ng pagdinig ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa motion for reconsideration na inihain ng mga taxi drivers na kontra sa ipinatupad na tapyas pasahe.

Ayon kay LTFRB Board Member Ariel Inton, mas mainam na mag-pokus sa legal na proseso.

Ani Inton, nirerespeto nila ang karapatang mag-protesta ng mga taxi drivers.

Gayunpaman, nanawagan si Inton na ipatupad ang trenta pesos na flagdown rate.

Tiniyak din ni inton na aaksyunan ng LTFRB kung may pasaherong magreklamo tungkol dito.

Speak Your Mind

*