LTO, nanguna sa may pinakamataas na koleksyon noong 2015

Nanguna ang Land Transportation Office (LTO) sa mga tanggapan ng gobyerno na may pinakamataas na koleksyon noong nakaraang taon.

Ito ay base sa inilabas na listahan ng Bureau of Treasury.

Nabatid na umabot sa 36.41 bilyong piso ang kabuuang kita ng nasabing tanggapan na mas mataas ng 11.09 percent kumpara noong taong 2014.

Ito na ang pinakamataas na taunang koleksyon ng ahensiya mula pa noong 1997.

Sumunod naman sa listahan ang land registration authority na may kabuuang 4.69 bilyong piso ang kabuuang nakolekta noong nakaraang taon.

Kasama sa nangungunang limang ahensya ng pamahalaan na may mataas na koleksyon ang National Telecommunications Commission, Bureau of Immigration at Securities and Exchange Commissions.

Speak Your Mind

*