Luzon Grid, isasailalim sa Yellow alert dahil sa manipis na kuryente

Nasa Yellow alert na ang Luzon Grid simula ala-una ngayong hapon.

Ayon sa Department of Energy, ito ay dahil sa nawalang 1,488 megawatts matapos umano magkaroon ng problema ang labing tatlong units ng siyam na power plants sa Luzon.

Bumaba naman sa 360 megawatts ang reserbang kuryente sa Luzon Grid simula alas-dos ngayong hapon habang nasa 9,176 mw ang demand sa kuryente.

Inaasahan naman na babagsak sa 339 megawatts ang magiging reserbang suplay ng kuryente ng Luzon Grid hanggang alas-siyete mamayang gabi kaya posibleng magtuloy-tuloy pa ang Yellow alert status.

Ayon pa sa DOE, posible ring maging Yellow alert ang suplay ng kuryente sa Visayas mamayang gabi na peak umano ng demand sa naturang lugar.

Una namang sinabi ng DOE na nakahanda nang patakbuhin ang malaya Diesel Power Plant na mayroong 650 megawatts bilang contingency sa pagnipis ng suplay ng kuryente ng Luzon Grid.

Speak Your Mind

*