Mahigit isandaang katao, nasawi sa sunog sa isang templo sa India

Umabot nasa mahigit na isandaang katao ang nasawi sa naganap na sunog sa isang hindu templo sa bansang India.

Ayon sa mga otoridad, nangyari ang insidente sa gitna ng fireworks display na tradisyunal na aktibidad ng naturang templo na kilala sa kanilang kakaibang architectural style.

Umabot naman sa halos tatlong daang katao ang naitalang sugatan sa naturang insidente.

Kaugnay nito, personal naman nagtungo sa lugar ng insidente ang prime minister ng India na si Narendra Modi para alamin ang sitwasyon sa lugar.

Kasama naman nitong nagtungo ang ilang mga medic para umalay sa mga nasugatan sa naturang insidente ng fireworks display.

Samantala, ayon naman kay Kerala’s Chief Minister Oommen Chandy pansamantala munang ipagbabawal ang pagbebenta ng paputok sa lugar.

Speak Your Mind

*