Mahuhuling nagsusunog sa kabundukan, kakasuhan ng Arson – DENR

Hindi umano magdadalawang-isip ang Department of Environment and Natural Resources o DENR na kasuhan ng kasong arson ang sinuman tao na mahuhuling nagsusunog sa kabundukan.

Ayon kay Cenro Officer Celso Salazar, malaki ang pananagutan sa batas ng nagsusunog dahil malaki ang magiging epekto nito sa kalikasan at nagdudulot ng paglala ng global warming.

Ang pagkasunog sa kabundukan ay dahilan din ng tumitinding init ng temparatura sa ating kapaligiran.

Kasabay nito, patuloy naman hinihikayat ni Salazar ang publiko na magtanin ng punong kahoy sa kabundukan para makatulong sa ating inang kalikasan at sa darating na henerasyon.

Speak Your Mind

*