Mainit at maalinsangang panahon, magpapatuloy hanggang Mayo

Patuloy na makakaranas ng mainit at maalisangang panahon ang buong bansa na tatagal hanggang sa buwan ng mayo.

Ayon kay Anthony Lucero, Chief ng climate monitoring and prediction section ng pag-asa, kadalasan sa buwan ng Mayo naitatala ang pinakamataas na temperatura sa bansa.

Aniya, ito ay dulot pa rin ng nararanasang el nino phenomenon.

Sa huling bahagi ng mayo naman unti-unti aniyang mararamdaman ang pagbabalik ng habagat, hudyat para sa pag-uumpisa ng tag-ulan kung saan una aniyang mararanasan ito sa metro manila.

Samantala, tiniyak naman ni Lucero na hindi mararanasan ng Pilipinas ang heat wave na kadalasang nangyayari sa ibang bansa.

Speak Your Mind

*