Mainit na panahon, dahilan kaya mahirap hulihin ang mga isda

Ang mainit na panahon ang isa sa dahilan bakit kakaunti ang nahuhuling isda ng mga mangingisda dahilan para magmahal ang presyo nito sa merkado.

Batay sa pag-aaral sinabi ni Dr. Westly Rosario, hepe ng BFAR- NIFTDC, na gusto ng mga isda ang mas malalim na bahagi ng dagat kapag mainit ang panahon, kayat mahirap itong hulihin ang mga mangingisda.

May kapasidad aniya ang mga isda na pumunta sa mas relax na lugar dahil magkakaiba aniya ang init ng tubig sa ibabaw, gitna at mas malalim na bahagi ng dagat.

Dagdag pa ni Dr. Rosario na isa din sa dahilan kung bakit nagmamahal ang presyo ng isda ay bunsod ng walang kontrol kung ano ang mga isdang darating sa palengke.

Depende aniya sa dating mga isda, pag marami ang suplay tiyak na magmumura ang presyo, ngunit pagkaka-unti ang suplay, ito na ang dahilan ng pagsirit ng presyo ng isda sa palengke.

Speak Your Mind

*