Mainit na panahon, may mabuting dulot sa aquaculture – BFAR

Kung may masamang dulot ang matinding init ng panahon sa mga pananim, mas magandang dulot naman nito sa sector ng aquaculture.

Ito ang inihayag ni Dr. Westly Rosario, Hepe ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) sa isinagawang KBP Forum kahapon.

Ayon kay Dr. Rosario, kapag mainit ang panahon ay maganda ang pangingitlog ng mga isda partikular na sa mga alagang bangus.

Samantala, sinabi naman ni rosario na kahit kalimitang naitatala ang kaso ng red tide tuwing summer season, mapalad aniya ang lalawigan ng Pangasinan dahil walang kaso ng redtide ang mamomonitor ngayon ng BFAR.

Speak Your Mind

*