Mais, hindi rin ligtas sa pag-atake ng mga drought related pest ngayong tag-init

Dahil ang lalawigan ng Pangasinan ay isa sa top producer ng mais sa rehiyong uno, nagbabala ngayon ang Department of Agriculture o DA na hindi ligtas ang mais sa mga “drought related pest” na umaatake sa mga panamin ngayong tag-init

Ayon kay Marivic Begonia, Supervising Science Research Specialist ng (DA) Regional Field Office One, karaniwang sumisira sa mga pananim na mais ang insekto na tinatawang na corn plant hopper.

Matatawag din aniya itong talakitik sa mais, at kagaya ng mga talakitik sa palay, ang talakitik sa mais ay sumisipsip din sa dagta ng mais na nagbubulot ng mabilis nitong pagka-tuyot.

Kasama narin aniya sa peste sa mga tanim na mais ang mga dagang bukid at armyworn o harabas, isang uri ng uod na kalimitang umaatake sa sibuyas ngunit ito ay sumisira din sa mga pananim na mais.

Speak Your Mind

*