Manny Pacquiao, tunay na kamepon sa puso ng mga Pilipino

Wala na dapat pang patunayan at tunay na kampeon sa puso ng mga Pilipino!

Ganito inilarawan ni PDP laban standard bearer Rodrigo Duterte si pambansang kamao Manny Pacquiao sa galing na ipinakita nito matapos talunin ang Amerikanong boksingero na si Timothy Bradley.

Ipinaabot din ni Duterte ang kaniyang pagbati kay Pacquiao dahil sa panibagong karangalan na ibinigay nito sa Bansa.

Umaasa naman ang Alkalde ng Davao City na matapos ang panalo ng pambansang kamao ay matutuunan na nito ng pansin ang kaniyang political career.

Matatandaang magandang performance ang ipinakita ni Pacman sa ‘farewel fight’ nito sa larangan ng boksing.

Pagbalik sa Pilipinas haharapin naman ng Pambansang kamao ang kampanya nito bilang Senatorial Candidate ng partido una sa nalalapit na halalan.

—-

Muling pinatunayan ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao ang kaniyang pagiging kampeon matapos talunin si Timothy Bradley sa kanilang ikatlong paghaharap sa ibabaw ng ring.

Si Pacman ay nanalo sa pamamagitan ng unanimous decision mula sa tatlong judges sa iskor na 116-110.

Bukod dito, dalawang beses din na pinabagsak ni Pacman si Bradley sa seventh at nineth round na naging dahilan upang bilangan ng dalawang beses na mandatory eight count ng referee.

Pagkatapos ng laban ay muling inulit ni Pacquiao ang kaniyang planong pagreretiro para tutukan ang magserbisyo at tumulong sa mga mahihirap na kababayan.

Samantala, pinapurihan naman ni Bradley si Pacman dahil matinding Pacman daw ang kaniyang nakalaban ngayon.

Ayon kay Bradley, mas mabilis, eksplosibo at mas malakas daw ngayon si Pacman.

Speak Your Mind

*