Mapayapang solusyon sa isyu ng West Philippine Sea, pabor ang lahat ng Vice Presidentiable

Nagkaisa ang lahat ng mga Vice Presidential candidates para sa mapayapang solusyon sa isyu ng pananakop ng china sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Pabor sina Senators Alan Peter Cayetano, Chiz Escudero, Gringo Honasan, Bongbong Marcos, Antonio Trillanes at Congresswoman Leni Robredo sa kasalukuyang hakbang ng pamahalaan na dalhin sa arbitration ang kaso ng Pilipinas laban sa China.

Ayon naman ay Trillanes, panahon na aniya para palakasin ang kakayahan ng militar ng bansa upang hindi na aasa sa tulong ng Estados Unidos.

Samantala, bukas naman si Marcos sa bilateral approach sa china para maresolba ang tensyon sa pagitan ng dalawang Bansa.

Speak Your Mind

*