Marcos, nanindigan na hindi hihingi ng sorry kaugnay sa panahon ng Martial Law

Walang plano si Senador Bongbong Marcos na humingi ng paumanhin kaugnay sa mga naitalang pang-aabuso noong panahon ng Martial Law sa ilalim ng pamumuno ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Nanindigan si Marcos na hihingi lamang siya ng ‘sorry’ sa kaniyang mga pagkakamali at hindi sa maling nagawa ng kaniyang ama.

Binigyang-diin ni Bongbong na sa loob ng dalawampung taon panunungkulan bilang public servant ay wala umanong reklamo ng pang-aabuso sa karapatang pantao laban sa kaniya.

Ngunit ayon pa sa Senador, inaasahan na niya na mauungkat at maitatanong sa kaniya ang nasabing isyu sa kanilang debate.

Samantala, sa tanong na “yes or no” lang ang kailangang isagot, lahat ng Vice-Presidential Candidate ay nagsasabing hindi sila sangkot sa anumang korapsyon o katiwalian sa gobyerno.

Speak Your Mind

*