Marcos, naungusan na si Escudero sa pinaka-huling survey ng Pulse Asia

Nakuha rin ni Senador Bongbong Marcos ang solo lead sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng ABS-CBN.

Nakuha ni Marcos ang 28 percent voters preference habang bumaba naman sa ikalawang pwesto si Escudero na nakakuha ng 21 percent.

Si Escudero ay statistically tied kay Congresswoman Leni Robredo na nakakuha ng 22 percent.

Nasa ikatlong pwesto naman si Senador Alan Peter Cayetano na nakakuha ng 15 percent na sinundan ni Senador Antonio Trillanes na nakakuha naman ng 5 percent.

Statistically tied si Trillanes kay Senador Gringo Honasan na nakakuha ng 4 percent.

Speak Your Mind

*