Mas transport system ng bansa, napapanahon na para mapaunlad

Napapanahon na para mapaunlad ang transport system ng bansa.

Ito ang nakikitang dahilan ng mga kumakandidato sa pagkapangulo sa isinagawang debate sa Universty Of Sto Tomas kahapon.

Ayon kay Congresswoman Leni Robredo, para maresolba ang problema sa matinding trapiko sa metro manila ay kailangang paunlarin ang sistema ng transportasyon sa bansa.

Iginiit din ni Senador Chiz Escudero, dapat doblehin ang paghihigpit laban sa mga kolorum na sasakyan.

Samantala, twin airport system naman ang nais isulong ni Senador Alan Peter Cayetano kung saan partikular na tinukoy nito ang paggamit ng Clark Air Base.

Binigyang-diin din ng mga Vice-Presidentiables ang pagpapaunlad sa railroad system.

Iminungkahi naman ni Escudero na maari din aniyang isaayos ang railway system mula Bicol Region patungong Ilocos Region.

Igiinit din ng Senador na dapat sibakin na sa puwesto si Transportation and Communication Secretary Jun Abaya, na mas nagpapalala pa raw sa problema sa trapiko sa Bansa.

Samantala, muling nabuksan ang paglilipat sa mga tanggapan ng gobiyerno sa mga lalawigan.

Kabilang na din ang pagbubukas ng mga trabaho sa mga probinsiya para maiwasan na ang pagdayo ng mga tao sa Metro Manila.

Sa pamamagitan aniya nito ay luluwag na ang trapik sa Kamaynilaan.

Speak Your Mind

*