Meralco, kinumpirma ang dagdag singil sa kuryente ngayong Abril

Kinumpirma na nga ng Meralco ang pagpapatupad ng dagdag singil sa kuryente ngayong buwan ng Abril.

Ayon kay Mike Garcia, Senior Corporate Communication Associate ng Meralco, tataas ng dalawampu’t dalawang sentimo kada kilowatt hour.

Sinabi ni Garcia na katumbas ito ng higit apatnaput apat na piso sa buwanang konsumo ng kuryente.

Dagdag pa ni Garcia na ang dahilan ng dagdag singil ay ang pagtaas ng sampung sentimong generation charge.

Bukod pa rito ang pagbabayad sa mga supplier ng meralco sa mga Renewable Energy tulad ng sa Solar Plant at Wind Farms.

Samantala, sinabi pa ni Garcia na simula ngayong buwan ng Abril ay may karagdagang walong sentimo ang ibinabayad ng meralco sa mga power plants na nag-ge-generate ng energy.

 

Speak Your Mind

*