Mga delegado ng 31st Asean Meeting, nasa Boracay na.

Nasa Boracay na ang may isandaan at pitumpung mga delegado ng 31st Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Meeting of Maritime Transport Technical Working Group.

Ngayong araw nagsimula ang nasabing International Event na tatagal hanggang Biyernes, Abril a-otso.

Kasamang tatalakayin sa pulong ang mga programa para mas mapapabuti pa sa Maritime Transport Sector sa rehiyon.

Ang Boracay ang host ng naturang event katuwang ang Philippine Coast Guard, Department of Health, Department of Tourism, Local Government Unit-malay at Caticlan-Cagban Jetty Port Administration.

Speak Your Mind

*