Mga karne na posibleng maapektuhan ng el nino, binabantayn ng NMIS

Mahigpit na monomonitor ng National Meat and Inspection Service (NMIS) ang kalagayan ng mga karne na posibleng maapektuhan ng nararanasan ngayong el nino.

Isa na umano rito ang naitatalang kaso ng heat stroke sa mga alagang hayop na tinatamaan sa panahon ng pagba-byahe sa kanila sa malayong lugar.

Ngunit sinabi ni Dr. Eduardo Oblena, Regional Director of NMIS Region 1, wala pa namang naitatalang kaso nito sa rehiyong uno maging dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sakali naman aniyang may ganitong kaso, hindi na ito nakakarating sa kanilang tanggapan, ngunit mahigpit nitong babala na kapag namatay na ng hayop ay hindi na ito maaaring katayin.

Giniit pa ni Oblena, na kapag namatay ang mga hayop bago pa dumating sa slaugtherhouse ay dapat na itong ibaon, dahil kapag ito ay kinatay ay matatawag na itong double dead meat.

Speak Your Mind

*