Mga OFW sa Qatar, 98% sumusuporta sa kandidatura ni Duterte

Kinumpirma ng OFW volunteers PDP Laban na 98% percent sa Qatar Middle East ay sumusuporta kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang presidential candidate.

Sa panayam kay Loida Singh Chairman ng DDS Qatar Chapter at OFW volunteers PDP Laban Movement, sinabi nito na bagamat walang pondo na ibinibigay sa kanila ang mga kandidato ng PDP Laban, aktibo silang nangangapanya sa Qatar para sa kandidatura ni Duterte.

Aniya mula sa sariling bulsa ng mga grupong of OFW ang kanilang ginagastos sa mga nasabing pagtitipon ng mga OFW para kay Duterte.

Ayon pa kay Singh hindi na sila masyado pang nahirapan na makunbise ang mga pinoy na sumuporta sa pagkapangulo ni Duterte dahil halos lahat sa kanila ay gusto ng tunay na pagbabago sa Pilipinas.

Sa kasalukuan nagpa-fund raisng ang naturang grupo para sa planong imbitahan si Mayor Duterte na bumisita sa Qatar Middle East.

Speak Your Mind

*