Mga Pinoy, hindi nadamay sa malakas na lindol sa Ecuador at Japan

Walang pilipinong nasaktan o nasawi sa naganap na malakas na lindol sa Ecuador at Japan.

Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Spokesperson Assistant Secretary Charles Jose sa panayam ng DZAR Sonshine Radio.

Aniya, sa ulat na pina-abot ng consulate ng Pilipinas sa osaka, Japan at ng embahada sa Chile, wala aniyang nai-ulat na naapektuhang mga Pinoy matapos tumama ang malakas na lindol.

Matatandaan na noong nakaraang Biyernes, niyanig ng magnitude 7.0 na lindol ang southern part ng Japan na nagdulot ng matinding pinsala at nag-iwan ng halos limampung kataong nasawi.

Samantala, nag-iwan naman ng mahigit na tatlundaang kataong nasawi ang magnitude 7.8 na lindol sa na tumama sa ecuador na tinuturing pinaka malakas na lindol simula noong 1979.

Speak Your Mind

*