Mga Vice Presidentiable, magkaka-salungat ng opinyo sa isyu ng kahirapan

Binigyang-diin ni Vice Presidential candidate Leni Robredo na halos dalawampu’t walong milyong indibidwal ang natanggal na sa kahirapan.

Kailangan na lamang aniya ang pagpapanatili nito at dagdagan pa ang programa ng pamahalaan tulad ng pabahay, pagkain, panghanapbuhay at paghahanda sa lahat ng sakuna.

Ginanap na Vice Presidential debate, kumbinsibo naman sina Senador Bongbong Marcos at Senador Chiz Escudero na hindi pa inclusive ang eonomic growth ng bansa, taliwas sa naging pahayag ni Robredo.

Ayon kay Marcos, hindi ramdam ng ordinaryong mamamayan ang sinasabing economic growth ng kasalukuyang administrasyon kaya’t marami pang dapat gawin para maipadama ang ginhawa sa mga mahihirap.

Samantala, iginiit naman ni Senador Alan Cayetano na hindi aangat ang ekonomiya ng bansa dahil sa krimen at korapsyon.

Speak Your Mind

*