Mitigation Plan na ipinatupad sa Pangasinan, epektibo laban sa El niño

Epektibo ang isinagawang Mitigation Plan ng Office of the Provincial Agriculturist o OPAG-Pangasinan kung bakit hindi masyadong naapektuhan ang lalawigan ng nararanasang ngayong el niño.

Ayon kay OPAG Officer Dalisay Moya, maagang nagpatupad ng Mitigation Measure ang Provincial Government, isa na rito ang assistance irrigation kung saan P100 million pondo ang inilaan para sa rehabilation ng 32 communal irrigation system.

Kabilang din aniya ang installation ng 183 unit ng shallow tube well irrigation project at pamamahagi ng water pump sa mga Irrigator Farmers Association.

Malaking tulong umano ang naturang mga pasilidad para matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka sa patubig papunta sa mga tanin nilang palay at mais.

Dagdag pa ni moya na makatulong din para hindi maapektuhan ang produksyon ng palay sa Pangasinan ay ang mga itinanim na palay na drought tolerant varieties.

Speak Your Mind

*