Monday only practice, ipinatutupad ng Gilas Pilipinas

Bilang paghahanda sa nalalapit na Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo, ipinatutupad ngayon ng team Gilas Pilipinas ang kanilang Monday only practice.

Ito ay para maiwasan ang hindi inaasahang injuries.

Sinabi rin ni Gilas Deputy Jong Uichico na nagkaroon sila ng hour long session na training bago ang muling pagbabalik ng PBA Commissioners Cup sa susunod na linggo.

Samantala, hinihintay naman nila ngayon ang pagbabalik ni Coach Tab Baldwin bago ang kanilang susunod na training.

Kaugnay nito, inilabas na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang listahan ng mga presyo ng ticket para sa inaabangang FIBA Olympic Qualifying Tournament dito sa maynila na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa July 5 hanggang 10.

Para sa unang dalawang araw ng laban na tampok ang Gilas Pilipinas, nagkakahalaga ng P10,000 ang VIP seats, P8,500 para naman sa patron seats, P6,800 para sa lower box seats, at P6,800 para sa lowerbox seats.

Nagkakahalaga naman ng P400 ang upperbox tickets habang ang general admission ay P200 lang mula sa umpisa hanggang matapos ang qualifiers.

Speak Your Mind

*