Muling pangunguna ni Duterte sa survey ng Pulse Asia, minaliit Malakanyang

Minaliit ng Malakanyang ang mga naglalabasang public opinion surveys kaugnay sa mga nangungunang Presidential at Vice Presidential candidates.

Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, nangunguna sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagka-pangulo habang si Senador Bongbong Marcos naman sa pagka-bise presidente.

Habang ang mga pambato ng administrasyon na sina dating DILG secretary Mar Roxas at representative Leni Robredo ay nasa ika-apat at ikatlong puwesto.

Naniniwala si Communications Secretary Sonny Coloma, na ang resulta ng mga survey ay apektado ng media reports kaugnay sa mga political developments at pangyayari sa survey period.

Sinabi ni Coloma na wala pang malinaw na mananalo dahil mahigpit ang labanan sa Presidential at Vice Presidential elections.

Kampante ang malakanyang na hanggang sa araw ng eleksyon ay patuloy na aani ng suporta ang Daang Matuwid coalition.

Speak Your Mind

*