Music producer at reality television star David Gest, pumanaw na

Pumanaw na ang music producer at reality television star David Gest sa edad na 62.

Ayon sa kaibigan at dating bodyguard nito na si Imad Handi, binawian ng buhay si Gest sa Four Seasons Hotel sa Canary Wharf.

Si Gest ay kilala bilang dating asawa ng sikat na singer na si Liza Minnelli na kaibigan ng namayapang si Michael Jackson.

Isa naman sa mga nagawa ng pumanaw na music producer ang Michael Jackson: 30th anniversary celebration noong 2001.

Naging kilala rin si Gest sa U.K matapos ang paglabas nito sa ITV’S.

Patuloy naman ang pagdagsa ng pakikiramay sa yumaong producer.

Speak Your Mind

*