Naghahanap ng trabaho abroad, pinag-iingat sa mga illegal recruiters

Pinag-iingat ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa kaugnay sa bagong modus ng mga naglipanang illegal recruiters gamit ang social media.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, nakakatanggap sila ng mga report mula sa POEA kung saan ginagamit umano sa facebook ang Marriot Hotel, isang malaking kompanya sa United Kingdom para makapag-recruit ng mga nurse, mekaniko, waiter at mga entertainers.

Nabatid na matapos umanong hingin ang mga requirements ng mga aplikante ay uutusan ito ng mga recuiters na mag-transfer ng pera sa isang account bilang processing fee ng kaniyang mga papeles.

Payo ng DOLE na ang isang lehitimong kompanya ay hindi manghihingi ng bayad para sa konsiderasyon ng aplikasyon.

Dapat din aniyang alamin ng mga aplikante kung lisensyado ng POEA ang isang recruitment agency.

Speak Your Mind

*