Naitalang insidente ng sunog sa Pangasinan, tumaas ngayong taon

Tumaas ang naitalang insidente ng sunog sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.

Ito ay base ang general assessment ng Bureau of Fire Protection (BFP) Pangasinan sa katatapos lang na Fire Prevention Month nitong Marso.

Batay sa tala ng BFP-Pangasinan, pumalo sa pitumpot siyam (79) ang kaso ng Grass Fire mula sa dating dalawamput tatlo (23) noong 2015, bahagya namang bumaba ang kaso ng structural fire na labin dalawa (12) mula sa dating tala na labing anim (16) habang ang insidente naman ng sunog sa sasakyan ay tatlo (3) mataas ng isang kaso na dalawa (2) noong nakaraang taon.

Ayon naman kay SF04 Agusto Ferrer, Fire Safety Enforcement Sector, Deputy Fire Marshall, dahil sa nararanasang init ng panahon dala ng El Nino, patuloy ang babala ng BFP sa publiko na iwasan ang magsunog ng basura, huwag magtapon ng upos ng sigarilyo kahit saan at bantayan ang mga nilulutong pagkain na malimit pagmulan ng sunog.

Speak Your Mind

*