Nangungunang sakit ngayong summer season, binabatayan

Mahigpit na binabatayan ng Provincial Health Office o PHO-Pangasinan ang mga nangungunang sakit ngayong summer season.

Kabilang na rito ang sakit na heatstroke, sunburn, chickenpox, measles, prickly heat, influenza, skin allergy, sore eyes, dengue, rabies, at food and waterborne diseases.

Ayon kay Dr. Anna Maria Teresa de Guzman, Provincial Health Officer in Pangasinan, isa rin sa binabantayan ang viral infection gaya ng ubo at sipon na malimit makuha sa pabago-bagong temperatura.

Dala naman ng nararanasang init ng panahon, ipinapayo ni de Guzman na upang hindi madi-hydrate, uminom ng higit sampung baso ng tubig at iwasan na ma-expose sa direct sunlight, lalo na ang mga atleta, magsasaka at mga construction workers.

Payo pa ng PHO sa publiko na ugaliin ang pag-inum ng ionized water sa halip na soda, coffee, tea at inuming may alcohol dahil mataas ang mga ito sa dehydrating fluids.

Speak Your Mind

*