Napolcom, may malaking papel rin na gagampanan sa eleksyon

Malaki rin ang gagampanang tungkulin ng National Police Commission o Napolcom sa paparating na nasyunal at lokal na eleksyon sa mayo a-nuebe.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Atty. Edwin Mapili, Assistant Regional Director, Napolcom Region 1, katuwang ang kanilang ahensya ng Comelec sa pagbabantay para sa mapayapang halalan.

Trabaho aniya ng Napolcom na patnubayan ang hanay ng mga kapulisan na magampanan ang kanilang tungkulin na naaayon sa batas at maiwasan na masangkot sa Political Partisan.

Sinabi naman ni Mapili na wala pa silang namomonitor sa buong Region 1 maging sa lalawigan ng pangasinan na mga pulis na pumapanig sa sinumang kandidato.

Samantala, inihayag naman ng Napolcom na sapat naman ang bilang ng mga pulis sa Rehiyon para mapanatili ang kanilang lakas at magampanan ang kanilang tungkulin lalo sa panahon ng eleksyon.

Speak Your Mind

*