NBA superstar Kobe Bryant, huling laro na ngayong araw

Ngayong araw na ang huling laro ni Los Angeles Shooting Guard Kobe Bryant matapos ang halos dalawang dekada nito sa larangan ng basketball sa NBA.

Hindi naman alintana ng mga die hard fans ni Kobe ang mataas na presyo ng ticket para sa naturang farewell fight nito.

Aabot sa $10,000 ang presyo ng ticket sa courtside habang ang pinakamura ay $700 sa pinakalikod na bahagi ng stadium.

Makakaharap sa huling laro ni Kobe sa Lakers ang koponan ng Utah Jazz.

Hindi naman bababa sa 1,500 ang appearances ni Kobe para sa team sa loob ng dalawang dekado nito sa Los Angeles.

Speak Your Mind

*