NFA, tiniyak na sapat ang suplay ng bigas sa pagpasok ng Lean Month

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na may sapat ng suplay ng bigas ang bansa sa pagpasok ng Lean Months.

Ayon kay NFA Administrator Renan Dalisay, may tamang bilang ang sako ng mga bigas sa mga bodega na pagmamay-ari ng pamahalaan upang hindi magkulang ang suplay sa darating na mga buwan.

Binigyang-diin ni Dalisay na mayroon silang reserba o buffer stock ng pang-tatlumpu’t isang araw sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo.

Magsisimula ang lean months sa Pilipinas sa buwan ng Hulyo at matatapos sa setyembre na simula naman ng harvest season.

Sa mga panahong ito umaangkat ang gobyerno ng bigas mula sa ibang bansa na makakatulong upang mapanatili ang presyo nito sa merkado.

Speak Your Mind

*