NGCP, pinagbawalan na ang mga planta na mag-maintenance shutdown

Pinagbawalan na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mga planta na mag-maintenance shutdown.

Ito’y sa gitna ng manipis na reserba ng kuryente sa Luzon Grid kahapon ng hapon.

Ayon sa NGCP, nagka-problema ang makina ng Quezon Power Plant kaya manipis ang reserba ng kuryente.

Isinailalim pa rin ang Quezon Power Plant sa maintenance na inabot ng walong oras bago nagbalik-operasyon.

Dahil dito, umapelang muli ang Meralco at Department of Energy sa mga consumers na magtipid sa kuryente.

Speak Your Mind

*