Nickname na Daang Matuwid na nakalagay sa balota, inalmahan

Inalmahan ng ilang Election Watchdog ang nickname na Daang Matuwid na nakalagay sa balota.

Tinawag ng Election Watchdog na Kontra Daya, na panloloko sa taumbayan ang paggamit ng mga katagang Daang Matuwid sa official ballot sa halalan.

Ayon kay Professor Danny Arao, Convenor ng Kotra Daya, ang Daang Matuwid ay hindi nickname kundi slogan ng administrasyon na ginagamit sa mga proyektong pinodohan ng taumbayan.

Nauna ng ipinaliwanag ng Comelec na “Daang Matuwid” ang inilagay na nickname ng dalawang kandidato sa kanilang certificate of candidacy kaya ginamit ito sa balota.

Samantala, pinuri din ng Kontra Daya ang mga OFW’s na nagsiwalat ng kanilang kaaranasan sa Overseas Absentee Voting.

Speak Your Mind

*