NMIS, nagbabala sa mabilis na pagkasira ng karne ngayong tag-init

Bunsod ng nararanasang init ng panahon, nagbabala ang National Meat and Inspection Service (NMIS) sa mga meat vendor sa tamang pag-handle ng mga itinitendang karne sa palengke.

Ayon kay Dr. Eduardo Oblena, Regional Director of NMIS Region 1, mabilis dumami ang mga bacteria sa ambient temperature conditon kayat dapat ibayong pag-iingat ang gawin.

Aniya, kung ilalatag ang mga tindang karne, makabubuting ilagay ito sa stainless board dahil hindi ito nag-a-absurb ng moisture at maiiwasan ang pagkalat ng mikrobyo.

Pinaalalahanan naman ni Oblena ang mga mamimili na suriing mubuti ang pagbibilhan at bibilhing karne, dapat tiyaking sariwa, nakalagay ang karne sa stainless board at may malinis ang chopping board ang tindera dahil malimit din itong pamahayan ng mikrobyo.

Dagdag pa ng NMIS na kung hindi pa lulutuin ang karne huwag na itong ipahiwa sa palengke, hugasan ng mabuti at patuluin para maalis ang dugo bago ilagay sa refregerator.

Speak Your Mind

*