Oplan Galugad, ipinatupad ng BJMP Urdaneta

Ginalugad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa Rehiyon Uno ang pasilidad ng Urdaneta City District Jail.

Sa panayam ng Sonshine radio kay District Jail Warden Chief Inspector Roque Constantino Sison III, negatibo ang resulta ng inilunsad na Operation Greyhound na nagtagal ng tatlong oras.

Ang sinunod na proseso ipinalabas ang lahat ng gamit ng mga preso, saka ito ipina-amoy sa Jack Russell Terrier, isang aso na sinanay ng PDEA sa pag-amoy ng illegal drugs, at saka isa-isang ininspection din ng jail officers ang mga gamit.

Natutuwa si Sison sa resulta, kasabay ng pagtiyak na patuloy pa rin niyang ipapatupad sa pasilidad ang istriktong pag-search sa mga dumadalaw na bisita para walang makalusot na anumang kontrabando.

Ang Operation Greyhound ay isang regular na pagpapatupad ng memorandum of agreement sa pagitan ng BJMP at PDEA sa buong bansa.

Layon ng aktibidad na maiwasan ang posibilidad na may makapasok na kontrabando sa mga pasilidad ng BJMP.

Speak Your Mind

*