Oplan Sumvac, nakataas pa rin sa Pangasinan – PDRRMO

Nakataas pa rin ang Oplan Summer Vacation o “oplan Sumvac” sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ayon kay Avinex Arenas, Training and Information Head ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO ay sinimulan noong Marso a-bente tres at magtatapos huling linggo bago ang pasukan sa hunyo a-singko.

Sinabi pa ni Arenas na sa nagpapatuloy na Pistay Dayat Festival ay nakatutok ang Provincial Health Emergency Response Team at Water Search and Rescue (WASAR) sa Lingayen Beach para sa agarang responde.

Isa aniya sa mahigpit na binabantayan ngayon ng PDRRMO ang pagdami ang dikya o jelly fish sting sa dagat na kalimitang bumibiktima sa mga beach goers.

Hindi naman aniya pinalad ang lalawigan na makuha ang zero drowning incident noong semana santa dahil nakapagtala ng tatlo katao ng pagkalunod, dalawa rito ay mula sa bayan ang Binmaley habang ang isa ay mula sa lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*