OWWA Region 1, nag-aalok ng scholarship program sa mga OFW Dependent

Nag-aalok ang Overseas Workers Welfare Administratin (OWWA) ng scholarship program para sa mga dependent ng Overseas Filipino Workers (OFW).

Ayon kay Justin Paul Marbella, Labor Communications Officer ng OWWA Region One na ang tinutukoy sa dependent ng OFW ay ang kanilang mga anak at kapatid.

Sa panayam ng sonshine radio kay Marbella ay sinabi nito na aabot sa 20 scholars ng OWWA ang nag-graduate nitong 2016 mula sa iba’t ibang paaralan at unibersidad sa buong rehiyon uno.

Isa sa OWWA Scholar ay magtatapos na magna cum laude sa kursong Bachelor in Arts and Political Science at may mga magtatapos rin bilang cum laude.

Speak Your Mind

*