P-noy, pinulong kahapon ang mga opisyal ng AFP kaugnay sa Basilan Tragedy

Kinumpirma ng Malakanyang na nagkaroon ng pagpupulong kagabi si Pangulong Noynoy Aquino at mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense.

Sa isang pahayag sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma, iniulat nina Defense Secretary voltiare Gazmin at AFP Chief of Staff Hernando Iriberri ang status ng nagpapatuloy na military operation laban sa Abu Sayyaf Group at iba pang lawless elements matapos sila mangaling kahapon sa Zamboanga City.

Iniulat din kay Pangulong Aquino na mula nang pinaigting ng AFP ang kanilang pursuit operations mula noong Disyembre ng nakaraang taon ay nagresulta ito para maneutralize ang mga high-value terror suspects tulad nina Malaysian Mohd Najib Hussein (A.K.A. Abu Anas), Moroccan Mohammad Khattab at Ubaida Hapilon, anak ng Senior ASG Leader na si Isnilon Hapilon.

Tiniyak naman ng AFP kay Pangulong Aquino na nagpapatuloy ang pursuit operation ng tropa ng military na may sapat na kagamitan at tauhan kaugnay sa encounter sa pagitan ng AFP at Abu Sayyaf group.

Matatandaang labinwalong sundalo ang nasawi at limampung tatlo ang nasugatan sa kamay ng bandidong grupo na Abu Sayyaf sa naganap na ecounter sa Barangay Baguindan Tipo-Tipo Basilan.

Speak Your Mind

*