P154 umento sa sahod sa NCR, inihirit ng labor group!

Humirit ng isandaan at limampu’t apat na pisong umento sa sahod para sa mga ordinaryong manggagawa sa metro manila ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Ito’y kasunod ng paghain ng grupo ng petisyon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWB).

Nilinaw ni TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, na ang kasalukuyang umiiral na 481 pesos na minimum wage ay hindi sapat para tustusan ang isang pamilya na binubuo ng limang katao.

Naniwala si Tanjusay na kayang ibigay ng gobyerno ang kanilang hiling na dagdag sweldo dahil ipinagmamalaki umano nito ang paglago ng ekonomiya ng bansa simula noong nakaraang taon.

Kung hindi naman aniya maibibigay ang buong 154 pesos na dagdag sweldo ay hihingi umano sila ng subsidiya mula sa pamahalaan.

Ayon naman sa wage board, magsasagawa sila ng pagdinig kaugnay sa nasabing petisyon.

Speak Your Mind

*