Pacquiao, binati ng LGBT Group sa kanyang pagkapanalo

Binati ng grupo ng mga Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender (LGBT) Professionals si Manny Pacquiao matapos manalo kay Timothy Bradley.

Ayon kay Evan Tan ng Philippine LGBT Chamber of Commerce, binabati nila si Pacquiao sa tagumpay nito bilang atleta at umaasang magpo-pokus na lang sa sports.

Pahayag pa ng grupo, sana ay hayaan na lang ng kongresistang boksingero sa mga may karanasan at may kaalamang mambabatas ang batas at paggawa nito.

Kung sila anila ang tatanungin, dapat ay mag-“move forward” na ang bansa at maghanap ng lider na po-protekta at rerespeto sa karapatan ng lahat.

Matatandaang umani ng batikos mula sa lgbt community ang pahayag ni Pacquiao noong Pebrero patungkol sa same-sex marriage.

Speak Your Mind

*